Mga Pangngalan
- Ang mga salitang panawag sa tao, hayop, bagay, lugar, kalagayan o pangyayari ay tinatawag na pangngalan.
a. Ang mga sadyang pangalan ng tao, hayop, pook,
tanging bagay at pangyayari ay mga pangngalang pantangi.
b. Ang mga panawag sa mga balanang bagay ay
tinatawag na pangngalang pambalana.
Ang mga Panghalip
>Bahagi ng pananalita na ginagamit na panghalili sa pangngalan.
Mayroon tayong limang uri ng mga panghalip: panao, pamatlig, pananong, pamanggit, at
panaklaw.
a. Mga panghalip na panao
- panghalili sa mga panglan ng tao.
Ako ay nag-aaral
na mabuti.
Ikaw ay sumama sa amin. b. Panghalip na pamatlig - ginagamit sa pagtuturo ng isang tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ito ay may apat na uri ng pamatlig.
c. Panghalip na pananong - kumakatawan din sa ngalan ng mga tao o mga bagay. Ngunit ang mga ito ay ginagamit na kaganapang pansimuno, at HINDI simuno.
d. Panghalip na pamanggit -
kasing-anyo ng pang-angkop at kumakatawan sa mga pangngalan. Ang
mga pamanggit ay karaniwang
pinaka-simuno ng mga sugnay na pang-uri at siyang pang-ugnay nito sa
binibigyang-turing.
Ang lahat [na binili mo] ay maganda.
subordinate clause
Ang bata[ng inutusan ko] ay
wala pa.
e. Panghalip
na panaklaw – sinasaklaw ang kaisahan, dami, o kalahatan.
kaisahan: isa, isa pa, iba, balana, bawa’t, tungkol
dami o kalahatan: lahat, tanan, madla, para
Pandiwa
Ø
Nagbibigay-diwa sa isang lipon ng mga salita
upang mabuhay, kumilos, gumanap, papangyarihin ang anumang bagay.
Ø
Ang pagbabanghay ng isang pandiwa sa iba’t ibang
anyo ay ayon sa kabagayan ng pagkaganap o pangyayari, sa panahong ikinagaganap
o ipinangyayari.
Ø
Ang kabagayan ng pagkaganap o pangyayari ay
tinatawag na panagano. Ito ay may
tatlong uri: pautos, paturol at
pasakali.
Ø
Ang panahong ikinagaganap o ipinangyayari ng
kalagayan o gawaing ipinahahayag ng pandiwa ay tinatawag na panahunan. May tatlong panahon : pangkasalukuyan,
pangnagdaan, at panghinaharap.
Ø
Ang panaganong pautos ay kasing-anyo ng pawatas at
ginagamit sa pag-uutos, paghingi, o pagsuyo.
Halimbawa:
Maligo ka na.
Kayo’y matulog nang maaga.
Bumili ka nga sa akin.
Mga Uri ng
Pandiwa
- Mga pandiwang katawanin - ang mga pandiwang ito ay buo. Ang pagganap ay ginagawa o nangyayari sa simuno.
a.
May pandiwang katawaning nagpapahayag ng gawain lamang o pangyayari
lamang.
Si Juan ay nag-aaral.
Nagsusulat ako.
Umuulan.
b.
May mga pandiwang kaya katawanin ay dahil sa kasama na sa loob ng
pandiwa ang pinakalayon.
Nag-awto
kami. (Gumamit kami ng awto. Sumakay kami sa awto)
Nagsisigarilyo si
Juan. (Humihitit ng sigarilyo..)
c.
Ang mga pandiwang palikas na karaniwang gamiting walang simuno ay mga
katawanin din.
Kumukulimlim na.
Lumindol
kamakalawa.
Laging humahangin
nang malakas sa bundok.
Mga
ibang palikas: umambon, gumabi, umaraw,
kumidlat, bumaha, umunos, atpb.
2. Mga pandiwang palipat -
hindi buo kung nag-iisa. Upang
mabuo ay kailangang samahan ng kaganapan (tuwirang layon) na siyang tumatanggap
ng gawaing ipinahahayag ng pandiwa. Ang
layon ng pandiwang palipat ay laging pariralang pang-ukol na pinangungunahan ng
ng, sa at kay, at ng mga anyong maramihan ng mga pang-ukol ng ito. Sumasagot sa tanong na ano at kanino.
Siya ay sumulat ng isang kwento.
Tumulong kay Gil ang mga
kaibigan niya.
Namitas kami ng mga bulaklak
sa hardin.
Ang Tinig
ng mga Pandiwa
- Tukuyan o tahasan ang pandiwa kung ang simuno nito ay siyang gumaganap ng gawaing ipinahahayag ng pandiwa.
Ang bata ay lumalakad
na. (Sino ang lumalakad?)
Si Maria ay nag-aaral ng
leksyon. (Sino ang nag-aaral?)
- Balintiyak ang isang pandiwa kung ang simuno ay hindi tagaganap ng gawaing ipinahahayag ng pandiwa.
Ang pinsan ko ay nahulog
sa iksamen.
Nadapa si Luis sa
tabi ng ilog.
Si
Maria Makiling ay kilala sa
kanilang lugar.
Pang-uri
Ø
ang salitang naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
a. pang-uring naglalarawan - nagpapahayag
ng katangian o kalagayan
Maganda ang dalaga.
Masaya ang kapaskuhan.
b.
pang-uring pamilang - nagpapahayag ng bilang, karamihan o
kauntian.
Isang tao lang tumulong.
Sandaang libong tao ang nakikisaya sa sinulog.
c.
pang-uring pantangi - mga pangngalang pantangi na nagbibigay-turing sa pangngalan.
Kaantasan
ng pang-uri
1. Lantay -
tumutukoy sa tanging katangian
ng pangngalan o panghalip.
Siya ay maaga.
a.
magkatulad
Kasinghusay ni Lito ang kapatid
niya pagdating sa paglililok.
b.
di-magkatulad.
Si Mario ay di-gasinong matangkad
kaysa kay Pablo.
Si Andrea ang pinakamaganda sa kanilang lahat.
Mga Pantukoy
Ø
mga katagang ginagamit na pang-una sa tao,
lugar, bagay o pangyayari.
Nagbibigay-turing sa pangangalang tintutukoy at may katangiang
pagkapang-uri.
si, sina – ginagamit na pang-una sa mga
pangngalang pantao.
ang, ang mga – pang-una sa mga
pangngalang pambalana at mga pangngalang pantanging hindi ngalan ng tao.
Mga Pang-abay
Ø
nagbibigay-turing
sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Tumakbo
nang mabilis ang kabayo.
Siya
ay higit na matalino kaysa kanyang
kuya.
Si
Ana ay tunay na mahusay sumayaw kaysa
kay Donna.
Uri:
1. pamanahon : kahapon,
kagabi, bukas; minsan, na, pa, nang;sandali. lagi, parati, tuwi, bihira,
pagdaka
2.
panluan : dini, dito, diyan, doon, saanman,
malayo, malapit
3. panggaano : marami, kaunti, munti, katakut-takot,
kulang, wala, na, pa, sapat, lamang, kaigihan, kainaman,
katamtaman
4. panulad : gaya, labis, higit, lubha, lalo, kaysa, totoo,
di-hamak, di-gasino
5. pananong : ilan, kailan, saan, maano, gaano,
paano, bakit, kaya
6. pang-agam : tila, wari, anaki, yata, marahil,
baka, kaipala, di-malayo, di-sasala, pag nagkataon
7. pananggi : hindi, huwag, wala, ayaw, aywan
8. panunuran : muna, bago, saka, una, una-una,
kauna-unahan, kahuli-hulihan, katapus-tapusan, kawakas-wakasa,
panabay, sabay-sabay, panunod, sunud-sunod
9. panang-ayon : oo, opo, oho, siya nga, tunay, talaga
10. pamaraan : kusa, sadya, pilit, paluhod, patayo,
pabagsak, mabuti, masama, malakas, dahandahan, pabigla-bigla,
panakaw-nakaw
Ang
Pang-ukol
Ø
nag-uugnay
ng pangnglan o panghalip na siyang bumubuo sa pariralang pang-ukol.
Ø
ipinakikita
ng pang-ukol ang kaugnayan ng kanyang layon sa ibang salita sa pangungusap.
sa kay(kina) bagay sa (kay)
ng ayon sa (kay) para sa (kay)
ni
(nina) alinsunod sa (kay)
na
may hinggil sa
(kay) laban sa
(kay)
na
wala ukol sa (kay)
Ang
Pangatnig
Ø
bahagi
ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.
Uri:
1. pantuwang : at, saka, at saka
2. paninsay : ngunit, subalit, daatpwat, kahit,
bagaman, kahiman, gayunman, bagkus, habang, samantala
3. pamukod : o, ni, man, maging
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento