1. Ang tao, hayop, bagay, lugar, kalagayan, o pangyayaring pinag-uusapan sa pangungusap ay tinatawag na simuno.
HALIMBAWA:
Ang paaralan
ay malaki.
Nag-aaral sila sa
paaralan.
Marunong at masipag ang mag-aaral.
Ang kasipagan ni
Eugenio ay napansin ng kanyang boss.
a. Ang simuno ng pangungusap ay maaaring nasa
simula, gitna o hulihan ng pangungusap.
Si Nena
ay maganda at mahinhin pa.
Nag-aaral kami sa
unibersidad.
Matalinong talaga si Maria.
- Ang simuno ng pangungusap, maliban sa mga panghalip na pananong na palagyo, ay pinangungunahan ng pantukoy.
Si
Paterno ay nag-aaral sa mataas na paaralan.
Ang
matanda ay mahina na.
Nakita namin
sina Gil.
- Ang simuno ng pangungusap ay maaaring lantad.
Si Dora
ay may ginagawa.
Ang mga bata
ay naglalaro ng bola.
Masipag si Ana.
- Ang simuno ng pangungusap ay maaaring hindi lantad.
Alis
diyan. ( Ikaw ay umalis diyan.)
Takbo. (Tumakbo ka.)
Kain
na. (Ikaw ay kumain na.)
- Ang pangungusap ay maaaring walang sadyang simuno.
May tao sa
bahay.
Bumagyo nang
malakas.
Umuulan.
Ang Ayos ng
Pangungusap
Ang pangungusap ay maaaring tuwid o
baligtad.
Siya ay nag-aaral ng Tagalog.
Nag-aaral siya ng Tagalog.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento