Linggo, Marso 4, 2012

BAHAGI NG PANANALITA


Mga Pangngalan

  1. Ang mga salitang panawag sa tao, hayop, bagay, lugar, kalagayan o pangyayari ay tinatawag na pangngalan.
     2. Ang mga pangngalan ay may dalawang uri.


   a.  Ang mga sadyang pangalan ng tao, hayop, pook, tanging bagay at pangyayari ay mga pangngalang pantangi. 

b.  Ang mga panawag sa mga balanang bagay ay tinatawag na pangngalang pambalana.

 
Ang mga Panghalip

>Bahagi ng pananalita na ginagamit  na panghalili sa pangngalan.

  Mayroon tayong limang uri ng mga panghalip:  panao, pamatlig, pananong, pamanggit, at panaklaw.

 a. Mga panghalip na panao -  panghalili sa mga panglan ng tao.
                        Ako ay nag-aaral na mabuti.
                        Ikaw ay sumama sa amin.

        
 b.  Panghalip na pamatlig  -  ginagamit   sa  pagtuturo ng isang tao, bagay, lugar, o  pangyayari.  Ito ay may apat na uri ng pamatlig.

        
 c.  Panghalip na pananong  -  kumakatawan din sa ngalan  ng mga tao o mga bagay.  Ngunit ang  mga ito ay ginagamit na kaganapang pansimuno, at HINDI simuno.

 d.   Panghalip na pamanggit  -  kasing-anyo ng pang-angkop at kumakatawan sa mga           pangngalan.  Ang mga  pamanggit ay karaniwang pinaka-simuno ng mga sugnay na pang-uri at siyang pang-ugnay nito sa binibigyang-turing.

            Ang lahat [na binili mo] ay maganda.
                        subordinate clause
            Ang bata[ng inutusan ko] ay wala pa.

     e.  Panghalip na panaklaw – sinasaklaw ang kaisahan, dami, o kalahatan.

            kaisahan:                    isa, isa pa, iba, balana, bawa’t, tungkol
           
            dami o kalahatan:      lahat, tanan, madla, para

            galing sa ibang panghalip:  anuman, sinuman, atinman, ilanman, kailanman,                                          saanman,  gaanuman, magkanuman, kuwan, ano, atpb.


  Pandiwa

Ø      Nagbibigay-diwa sa isang lipon ng mga salita upang mabuhay, kumilos, gumanap, papangyarihin ang anumang bagay.
Ø      Ang pagbabanghay ng isang pandiwa sa iba’t ibang anyo ay ayon sa kabagayan ng pagkaganap o pangyayari, sa panahong ikinagaganap o ipinangyayari.
Ø      Ang kabagayan ng pagkaganap o pangyayari ay tinatawag na panagano.  Ito ay may tatlong uri:   pautos, paturol at pasakali.
Ø      Ang panahong ikinagaganap o ipinangyayari ng kalagayan o gawaing ipinahahayag ng pandiwa ay tinatawag na panahunan.  May tatlong panahon : pangkasalukuyan, pangnagdaan, at panghinaharap.
Ø      Ang panaganong  pautos ay kasing-anyo ng pawatas at ginagamit sa pag-uutos, paghingi, o pagsuyo.

Halimbawa:

            Maligo ka na.
            Kayo’y matulog nang maaga.
            Bumili ka nga sa akin.

  Mga Uri ng Pandiwa

  1. Mga pandiwang katawanin  -  ang mga pandiwang ito ay buo.  Ang pagganap ay ginagawa o nangyayari sa simuno.
           
            a.  May pandiwang katawaning nagpapahayag ng gawain lamang o pangyayari lamang.
                        Si  Juan ay nag-aaral.
                        Nagsusulat ako.
                        Umuulan.

            b.  May mga pandiwang kaya katawanin ay dahil sa kasama na sa loob ng pandiwa ang pinakalayon.
                        Nag-awto kami.  (Gumamit kami ng awto.  Sumakay kami sa awto)
                        Nagsisigarilyo si Juan.  (Humihitit ng sigarilyo..)

            c.  Ang mga pandiwang palikas na karaniwang gamiting walang simuno ay mga katawanin din.
                        Kumukulimlim na.
                        Lumindol kamakalawa.
                        Laging humahangin nang malakas sa bundok.

Mga ibang palikas:  umambon, gumabi, umaraw, kumidlat, bumaha, umunos, atpb.

2.  Mga pandiwang palipat  -  hindi buo kung nag-iisa.  Upang mabuo ay kailangang samahan ng kaganapan (tuwirang layon) na siyang tumatanggap ng gawaing ipinahahayag ng pandiwa.  Ang layon ng pandiwang palipat ay laging pariralang pang-ukol na pinangungunahan ng ng, sa at kay, at ng mga anyong maramihan ng mga pang-ukol ng ito.  Sumasagot sa tanong na ano at kanino.

            Siya ay sumulat ng isang kwento.
            Tumulong kay Gil ang mga kaibigan niya.
            Namitas kami ng mga bulaklak sa hardin.


Ang Tinig ng  mga Pandiwa
  1. Tukuyan o tahasan ang pandiwa kung ang simuno nito ay siyang gumaganap ng gawaing ipinahahayag ng pandiwa.
                        Ang bata ay lumalakad na.  (Sino ang lumalakad?)
                        Si Maria ay nag-aaral ng leksyon.  (Sino ang nag-aaral?)

  1. Balintiyak ang isang pandiwa kung ang simuno ay hindi tagaganap ng gawaing ipinahahayag ng pandiwa.
                        Ang pinsan ko ay nahulog sa iksamen.
                        Nadapa si Luis sa tabi ng ilog.


 Pang-uri

Ø      ang salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip

 
a.  pang-uring naglalarawan  - nagpapahayag ng katangian o kalagayan

                        Maganda ang dalaga.
                        Masaya ang kapaskuhan.

            b.  pang-uring pamilang -  nagpapahayag ng bilang, karamihan o kauntian.  

                        Isang  tao lang tumulong.
                        Sandaang libong tao ang nakikisaya sa sinulog.

            c.  pang-uring pantangi -   mga pangngalang pantangi  na nagbibigay-turing sa pangngalan.

                        Si  Maria Makiling ay kilala sa kanilang lugar.
Kaantasan ng pang-uri
       1. Lantay         -    tumutukoy sa tanging katangian ng pangngalan o panghalip.

                                    Siya ay maaga.

       2. Pahambing -    nagpapahayag ng magkatulad o magkaiba ang kalagayan ng isang pangngalan o panghalip. Ang pahambing na pang-uri ay may dalawang kalagayan:

              a. magkatulad
                                    Kasinghusay ni Lito ang kapatid niya pagdating sa paglililok.

              b. di-magkatulad.
                                    Si Mario ay di-gasinong matangkad kaysa kay Pablo.

        3.Pasukdol     -    nagpapakilala ng nangingaibabaw o namumukod na katangian ng pangngalan o panghalip.

                                    Si Andrea ang pinakamaganda sa kanilang lahat.
Mga Pantukoy

Ø      mga katagang ginagamit na pang-una sa tao, lugar, bagay o pangyayari.  Nagbibigay-turing sa pangangalang tintutukoy at may katangiang pagkapang-uri.

si, sina – ginagamit na pang-una sa mga pangngalang pantao.
ang, ang mga – pang-una sa mga pangngalang pambalana at mga pangngalang pantanging hindi ngalan ng tao.


Mga Pang-abay

Ø      nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri  o  kapwa pang-abay.
           
            Tumakbo nang mabilis ang kabayo.
            Siya ay higit na matalino kaysa kanyang kuya.
            Si Ana ay tunay na mahusay sumayaw kaysa kay Donna.

Uri:
            1.  pamanahon : kahapon, kagabi, bukas; minsan, na, pa, nang;sandali. lagi, parati, tuwi, bihira, pagdaka
            2.  panluan      :  dini, dito, diyan, doon, saanman, malayo, malapit
            3.  panggaano :    marami, kaunti, munti, katakut-takot, kulang, wala, na, pa, sapat, lamang, kaigihan, kainaman, katamtaman
            4.  panulad      :  gaya, labis, higit, lubha, lalo, kaysa, totoo, di-hamak, di-gasino
            5.  pananong   :  ilan, kailan, saan, maano, gaano, paano, bakit, kaya
            6.  pang-agam :  tila, wari, anaki, yata, marahil, baka, kaipala, di-malayo, di-sasala, pag nagkataon
            7.  pananggi    :   hindi, huwag, wala, ayaw, aywan
            8.  panunuran  :   muna, bago, saka, una, una-una, kauna-unahan, kahuli-hulihan, katapus-tapusan, kawakas-wakasa, panabay, sabay-sabay, panunod, sunud-sunod
           9.  panang-ayon : oo, opo, oho, siya nga, tunay, talaga
           10.  pamaraan :  kusa, sadya, pilit, paluhod, patayo, pabagsak, mabuti, masama, malakas, dahandahan, pabigla-bigla, panakaw-nakaw

Ang Pang-ukol

Ø      nag-uugnay ng pangnglan o panghalip na siyang bumubuo sa pariralang pang-ukol.
Ø      ipinakikita ng pang-ukol ang kaugnayan ng kanyang layon sa ibang salita sa pangungusap.

sa                   kay(kina)                      bagay sa (kay)
ng                   ayon sa (kay)                para sa (kay)
ni (nina)          alinsunod sa (kay)      
na may            hinggil sa (kay)              laban sa (kay)
na wala             ukol sa (kay)               

Ang Pangatnig

Ø      bahagi ng pananalitang nag-uugnay ng mga salita, parirala, sugnay o pangungusap.

Uri:
1.  pantuwang :   at, saka, at saka
2.  paninsay     :  ngunit, subalit, daatpwat, kahit, bagaman, kahiman, gayunman, bagkus, habang, samantala
3.  pamukod    : o, ni, man, maging

GilayAngelique



BAHAGI NG PANGUNGUSAP

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi :SIMUNO AT PANAGURI
1. Ang tao, hayop, bagay, lugar, kalagayan, o pangyayaring pinag-uusapan sa pangungusap ay tinatawag na simuno.
 HALIMBAWA:
                        Ang paaralan ay malaki.
                        Nag-aaral sila sa paaralan.
                        Marunong at masipag ang mag-aaral.
                        Ang kasipagan ni Eugenio ay napansin ng kanyang boss.

a.  Ang simuno ng pangungusap ay maaaring nasa simula, gitna o hulihan ng pangungusap.

                        Si Nena ay maganda at mahinhin pa.
                        Nag-aaral kami sa unibersidad.
                        Matalinong talaga si Maria.

  1. Ang simuno ng pangungusap, maliban sa mga panghalip na pananong na palagyo, ay pinangungunahan ng pantukoy.
                         Si Paterno ay nag-aaral sa mataas na paaralan.
                         Ang matanda ay mahina na.
                         Nakita namin sina Gil.

  1. Ang simuno ng pangungusap ay maaaring lantad.
                            Si Dora ay may ginagawa.
                            Ang mga bata ay naglalaro ng bola.
                            Masipag si Ana.

  1. Ang simuno ng pangungusap ay maaaring hindi lantad.
                              Alis diyan.  ( Ikaw ay umalis diyan.)
                              Takbo.  (Tumakbo ka.)
                              Kain na.  (Ikaw ay kumain na.)

  1. Ang pangungusap ay maaaring walang sadyang simuno.
                               May tao sa bahay.
                                Bumagyo nang malakas.
                                Umuulan.

Ang Ayos ng Pangungusap
 
     Ang pangungusap ay maaaring tuwid  o  baligtad.

            Siya ay nag-aaral ng Tagalog.
            Nag-aaral siya ng Tagalog.